DFA, tiniyak na walang Pinoy na naapektuhan ng wildfire sa Hawaii

Tiniyak ng Department of Foreign Affairs (DFA) na walang Pilipinong nadamay sa malawakang wildfire sa Hawaii.

Sa kabila nito, inabusihan ng Philippine Consulate sa Honolulu ang mga Pinoy sa Hawaii na maging alerto at sumunod sa abiso ng mga awtoridad.

Pinapayuhan din ang Filipino community sa Hawaii na agad na makipag-ugnayan sa Konsulada kapag kailangan nila ng tulong.


Sa ngayon, mahigit 50 na ang mga namatay sa wildfire sa Hawaii.

Facebook Comments