DFA, tiniyak na walang Pinoy na nadamay sa landslide sa Indonesia

Tiniyak ng Department of Foreign Affairs na walang Pilipinong nadamay sa landslide sa Batang Kali, Indonesia.

Tiniyak naman ng DFA na nakahanda ang Philippine Embassy sa Jakarta sakaling may mga Pinoy na mangailangan ng tulong.

Patuloy rin na naka-monitor ang Embassy sa sitwasyon sa lugar.


Una nang nakipag-ugnayan ang Embahada sa mga awtoridad sa Batang Kali at nakumpirmang walang Pinoy na nadamay sa pagguho ng lupa roon.

Facebook Comments