DFA, tiniyak na walang Pinoy na nasaktan sa sunog sa Torch Tower sa Dubai

Manila, Philippines – Kinumpirma ng Department of Foreign Affairs na walang Pilipinong nasaktan o nadamay sa sunog sa Torch Tower sa Dubai Marina.

Sa kabila nito, patuloy na minomonitor ng Philippine Consulate General sa Dubai, United Arab Emirates ang sitwasyon sa lugar.

Ayon kay Foreign Affairs Spokesman Robespierre Bolivar, patuloy din na nakikipag-ugnayan ang konsulada sa Filipino community sa Dubai, at sa mga lokal na otoridad doon.
Ang Torch Tower Dubai ay isa sa mga pinakamataas na residential tower sa buong mundo kung saan maraming expatriates na nakatira dito.


Facebook Comments