Naniniwala ang Department of Foreign Affairs (DFA) na hindi maiiwan ang Pilipinas sa makakatanggap ng bakuna laban sa COVID-19.
Ayon kay Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr., maganda ang ipinapakitang goodwill ng Pilipinas sa ibang bansa lalo na sa pagtulong sa mga dayuhang na-stranded dito sa gitina ng public health crisis.
Nakatuon sila ngayon sa pagpapauwi ng mga Overseas Filipinos at mapauwi ang mga dayuhang na-stranded sa bansa.
Sinabi ni Locsin na hindi makakalimutan ng ibang bansa kung paano sila natulungan ng Pilipinas.
Nagpapasalamat din ang Pilipinas sa mga bansang tumutulong sa mga manggagawang Pilipinong makauwi sa harap ng pandemya.
Suportado rin ng DFA ang panawagang magkaroon ng “peoples vaccine” laban sa COVID-19 o lunas para sa lahat.
Sa ngayon, nakapagsagawa na ang PIlipinas ng 103 ‘sweeper flights.’