Dumistansya ang Department of Foreign Affairs (DFA) sa isyu ng posibleng pagsama ni Pangulong Ferdinand Marcos sa kanyang State of the Nation Address (SONA) ang development sa pagitan ng Pilipinas at China.
Partikular ang kasunduan ng dalawang bansa na pahupain na ang tensyon sa South China Sea.
Ayon kay DFA Spokesperson Ambassador Teresita Daza, wala silang ideya kung isasali ng pangulo sa kanyang SONA ang nasabing usapin.
Kaugnay nito, iginiit ng DFA na sa nasabing kasunduan, kapwa mananaig ang national positions ng bawat bansa.
Nangangahulugan aniya ito na mananatili ang karapatan at jurisdiction ng Pilipinas sa maritime zones alinsunod sa UNCLOS.
Facebook Comments