DFA tutulong upang matanggal ang travel advisory ng Amerika sa Pilipinas

Nakahanda ang Department of Foreign Affairs (DFA) na asistehan ang Department of Transportation (DOTr), Office of Transport Security (OTS) at ang Manila International Airport Authority (MIAA) sa pagpapatupad ng mahigpit na seguridad sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Ang pahayag ng DFA ay makaraang maglabas ng travel advisory ang Estados Unidos at inaabisuhan ang mga pasaherong patungo ng Pilipinas dahil nalaman umano ng kalihim ng homeland security na walang epektibong aviation security measures sa NAIA.

Ayon sa ahensya nakikipag-ugnayan na sila ngayon sa United States Department of Homeland Security-Transportation Security Administration upang matanggal ang nasabing travel advisory.


Una nang sinabi ng pamunuan ng MIAA na tinutugunan na nila ang concern ng homeland security at sa katunayan tuloy-tuloy ang procurement nila ng mga equipment upang mapagbuti ang seguridad sa ating paliparan.

Facebook Comments