DFA, umapela sa mga kababayan natin sa Ukraine na tiyagain ang paglikas sa kabila ng pahirapang transportasyon

Malaking hamon ngayon sa mga Pilipinong nais makalikas mula sa gitna ng gulo ang transportasyon patungo sa Lviv.

Sa Laging Handa public press briefing, nanawagan si Department of Foreign Affairs (DFA) Usec. for Migrant Workers Affairs Sarah Lou Arriola na pagtiyagaan sana ng ating mga kababayan na makasakay sila sa tren.

Ito lamang kasi aniya ang tanging paraan ng transportasyon para makarating sila sa Lviv.


Base sa mga ulat, punuan talaga ang tren at pahirapan ang pagsakay rito.

Gayunpaman, sinabi ni Arriola na kailangan talagang magpasensya upang makarating ang ating mga kababayan sa Lviv para sila ay maitawid sa border at maiuwi sa Pilipinas.

 

Facebook Comments