DFA, wala pa ring nakukuhang feedback mula sa DNA ng missing na Pinay sa Hamas attack

Wala pa ring natatanggap na feedback ang Department of Foreign Affairs (DFA) sa resulta ng DNA na kinuha kay Noralyn Babadilla.

Ayon kay Foreign Affairs Undersec. Eduardo de Vega, layon ng DNA na makumpirma kung kasama sa mga namatay sa Hamas attack si Babadilla.

Sa kabila nito, kumpiyansa naman si De Vega na buhay pa rin si Babadilla.


Samantala, kinumpirma ni De Vega na nasa isang hotel na nagpapahinga ang pinalayang Pinoy caregiver na si Gelienor “Jimmy” Pacheco matapos itong makalabas ng ospital.

Aniya, inaayos pa ang mga dokumento ni Pacheco para makauwi na ito sa bansa sa ikalawang linggo ng Disyembre.

Nilinaw rin ni De Vega na hindi makapagbigay ng karagdagang impormasyon si Pacheco hinggil sa kanyang naging sitwasyon sa kamay ng Hamas dahil pinagbabawalan ito ng Israel.

Facebook Comments