DFA, wala pang depinidong repatriation efforts sa mga Pinoy na apektado ng pagbagsak ng ekonomiya ng Sri Lanka

Wala pang inilalatag na repatriation plan ang Department of Foreign Affairs (DFA) sa mga Pilipino sa Sri Lanka na naiipit sa pagbagsak ng ekonomiya roon.

Partikular ang sinasabing pagkabaon ng Sri Lanka sa $51 bilyon na utang dahilan para bumagsak ang kanilang ekonomiya.

Ayon sa Filipino community sa nasabing bansa, nababahala sila dahil pahirapan na ngayon ang pagbili ng mga pangunahing bilihin doon dahil wala nang stock ng mga pagkain sa groceries.


Pahirapan na rin anila sa pagbili ng gasolina sa Sri Lanka kung saan magdamag silang pumipila para lamang makapagpakarga ng gasolina.

Dumadaing na rin ang mga Pinoy roon sa sobrang mahal ng ticket sa eroplano kaya nananawagan sila sa pamahalaan para sa repatriation efforts.

Sa ngayon, 700 ang mga Pilipinong nagtatrabaho at naninirahan sa Sri Lanka.

Facebook Comments