DFA, wala pang naitatalang nasawing Pilipino sa nagpapatuloy na karahasan sa Israel

PHOTO: Fatima Shbair/AP

Kinumpirma ng Department of Foreign Affairs na wala pang Pilipinong napapabalitang nasawi sa nagpapatuloy na karahasan sa Israel.

Ayon kay DFA Undersecretary for Migrant Affairs Eduardo Jose de Vega, patuloy ang pakikipag-ugnayan ng Embahada ng Tel Aviv sa mga Filipino sa nasabing bansa.

Dagdag pa ni de Vega, may mangilan-ngilang Pinoy ang nag-aalala sa sitwasyon pero sumunod naman sila sa kautusang inilabas ng Home Front Command ng Israel.


Hinihintay naman ng ahensya ang susunod na ulat ng embahada kaugnay sa pinakabagong sitwasyon ng mga Pilipino roon.

Facebook Comments