
Wala pang natatanggap na ulat ang Department of Foreign Affairs (DFA) kung may Pilipinong kabilang sa mga nadamay sa mass shooting sa isang birthday party sa Stockton, California.
Ayon sa DFA, patuloy pang nangangalap ng impormasyon ang Philippine Consulate General sa San Francisco habang nagpapatuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad sa insidente.
Sa ngayon, tanging ang edad lamang ng apat na nasawi ang inilabas ng mga awtoridad. Ang mga biktima ay may edad 8, 9, 14, at 21, at isa sa kanila ay estudyante ng Stockton Unified School District.
Tiniyak ng DFA na patuloy na naka-monitor ang Konsulada ng Pilipinas sa takbo ng imbestigasyon at handang magbigay ng tulong kung kinakailangan.
Facebook Comments









