Inihayag ng Department of Foreign Affairs (DFA) na wala silang natatanggap na ulat na may bagong kaso ng mga Filipino sa ibang bansa na tinamaan ng COVID-19.
Sa kasalukuyan, nananatili sa 20,933 ang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa mga Pinoy abroad habang 1,245 ang nasawi.
Umaabot naman sa 12,354 ang nakarekober sa sakit habang 4,697 ang naberipikang kaso ng DOH International Health Regulations.
Sa nasabing bilang ng kumpirmadong kaso, 7,334 ang sumasailalim sa gamutan kung saan nasa 95 bansa ang may naitatalang kaso ng mga pinoy na tinamaan ng virus na patuloy na minomonitor ng DFA.
Base pa sa nasabing datos na hawak ng DFA, nasa 11,864 ang bilang mga Filipino na positibo sa COVID-19 sa mga bansa sa Middle East at Africa.
Facebook Comments