DFA, walang naitalang nasawing Pilipino kasunod ng pagbaha sa South Korea

Kinumpirma ng Department of Foreign Affairs (DFA) na walang napaulat na nasawing Pilipino kasunod ng pagbahang naranasan sa South Korea.

Ayon sa DFA, nakatutok ang Embaha ng Pilipinas sa South Korea sa sitwasyon partikular sa mga apektadong lugar sa Central Seoul.

Nakipag-ugnayan na rin ang embaha sa mga Filipino communities na naapektuhan ng pagbaha.


Samantala, kinumpirma ng Interior and Safety Ministry ng South Korea na hindi bababa sa walo ang nasawi sa pagbaha habang siyam ang sugatan at di bababa sa pitong indibidwal ang nawawala.

Ayon naman sa Yonhap News Agency sa Seoul, ang malakas na pagbuhos ng ulan sa South Korea na nagsimula noong Lunes ang pinakamalakas na naranasan ng bansa sa loob ng 80 taon.

Facebook Comments