Higit pang binigyang ngipin ng Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) ang kampanya nito kontra real estate scammers sa pamamagitan ng pagbuo ng isang Inter-agency task force (IATF).
Inanunsyo ni DHSUD Secretary Eduardo Del Rosario ang pormal na paglulunsad ng National Task Force on Anti-Illegal Real Estate Practice na pangungunahan ng mga kinatawan ng kanilang mga member-agencies.
Sa ilalim ng isang Joint Memorandum Circular, pamumunuan ng DHSUD ang task force.
Kabilang sa mga bubuo sa task force ay ang Department of Justice (DOJ), Department of the Interior and Local Government (DILG), Department of Environment and Natural Resources (DENR), Land Registration Authority (LRA), Professional Regulation Commission (PRC), Philippine National Police (PNP) at National Bureau of Investigation (NBI).
Sa pamamagitan ng task force, higit na mapapabilis ang koordinasyon ng mga member-agencies upang hulihin ang sindikato na itinatakbo ang pinaghirapang pera ng mga gustong magkaroon ng disente at murang pabahay.