Tutulungan ng Department of Human Settlements and Urban Development o DHSUD ang mga nawalan ng bahay nang manalasa ang Bagyong Egay.
Sa ulat ng Presidential Communications Office (PCO) ilalaan ng DHSUD ang halagang 23 milyong piso para emergency assistance sa mga residenteng wala nang matuluyan dahil nasira ng Bagyong Egay ang bahay.
Ayon kay DHSUD Secretary Jose Rizalino Acuzar, kailangag pro-active palagi ang pagtulong sa mga naapektuhan ng bagyo.
Sa huling tala ng DHSUD umabot na sa 1,954 residential structure ang totally damage dahil sa bagyo.
Karamihan sa mga ito ay mula sa Regions 1, 2 at Cordillera Administrative Region.
Kaugnay nito, may direktiba naman sa National Housing Authority (NHA) at Home Development Mutual Fund o Pag-IBIG Fund na magsimula na ring mabigay ng tulong sa mga nawalan ng bahay.
Sa National Housing Authority (NHA) sinabing naglaan ng 50 milyong piso mula sa kanilang emergency housing assistance program.
Bukod dito nagsimula narin ang PAGIBIG Fund na i-offer ang calamity loan para sa kanila na may mababang interest rate.