DHSUD Secretary Jose Rizalino Acuzar, mabilis na nakalusot sa Commission on Appointments

Mabilis na inaprubahan sa komite ng Commission on Appointments (CA) ang ad interim appointment ni Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) Secretary Jose Rizalino Acuzar.

Sa umpisa pa lang ay nagpahayag na ang House of Representatives contingent na hindi na sila magtatanong kay Acuzar.

Si Senator Risa Hontiveros lamang ang senador na nagtanong ng marami sa kalihim.


Partikular na binusisi ni Hontiveros ang update sa pagbabalik at pabahay sa ilalim ng Task Force Bangon Marawi, ang sahod ng mga tauhan sa TFBM, Pag-IBIG housing backlogs at mga proyekto sa National Housing Authority (NHA).

Nagpahayag naman ng suporta si Senate President Juan Miguel Zubiri sa kalihim at umaasang malaki ang magagawa nito sa DHSUD lalo’t isang developer naman si Acuzar kaya’t batid na nito ang problema at pangangailangan para sa sapat na pabahay sa bansa.

Umapela naman si Senator Nancy Binay na pag-aralan din ng DHSUD ang nagbabadyang pagtaas sa kontribusyon ng Pag-IBIG dahil maraming ordinaryong mamamayan ang maaapektuhan nito.

Ngayong hapon ay isasalang na sa plenary approval ang confirmation ni Acuzar.

Facebook Comments