Nangako ang Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) na paiigtingin pa ang kampanya laban sa mga real estate scammers.
Kasunod ito ng pagkasakote sa apat na real estate scammers o “kolorums” sa Cavite.
Kinilala ang mga ito na sina Joana Marie Cruzada at Joana Marie Viray ng Alfonso Cavite; Felmarich Dagohoy ng Taguig City, at Jovannie Cruz ng Angat, Bulacan.
Ayon kay DHSUD Secretary Eduardo Del Rosario, modus ng mga ito na magpapakilalang mga tauhan ng 1Premier Land Marketing Company, umano’y marketing arm ng developer na Alta Vista saka bebentahan ang mga naghahanap ng bahay o real estate properties.
Pero, walang iniisyu na kaukulang Certificate of Registration at License to Sell mula sa DHSUD.
Ayon ka Secretary Del Rosario, hindi sila titigil hanggang hindi nahuhuli at naipapakulong ang mga mapagsamantalang indibidwal sa real estate industry.