DHSUD, tiniyak na tatalima sa direktiba ni PBBM sa kaniyang SONA na paigtingin ang Emergency Shelter Assistance Program

Nangako ang Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) na mas paiigtingin nito ang Emergency Shelter Assistance Program ng pamahalaan.

Tugon ito ng DHSUD sa kautusan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa kaniyang unang State of the Nation Address (SONA) na palawakin pa ang implementasyon ng nasabing programa para sa mga biktima ng kalamidad.

Ayon kay DHSUD OIC Asec. Melissa Aradanas, tinatanggap nilang hamon ito upang mas maraming pamilya ang mabigyan ng ayuda tuwing may kalamidad.


Ang ESAP ay nagbibigay ng ayuda gaya ng tulong pinansyal o mga construction materials para sa mga pamilyang biktima ng mga kalamidad na ayaw lumipat sa mga resettlement sites.

Ang nasabing tulong ay magagamit nila sa pagkukumpuni ng kanilang nasirang mga bahay.

Kasalukuyan naman nakikipag-ugnayan na ang ahensya sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) para sa agarang pagbibigay ng tulong sa mga pamilyang biktima ng kalamidad.

Facebook Comments