Umapela ang Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na sertipikahang urgent ang 4PH bill o Pambansang Pabahay Para sa Pilipino.
Layunin ng panukalang batas na Pambansang Pabahay para sa Pilipino ay na makapagbigay ng abot-kayang pabahay para sa mga Pilipino lalo na sa mga pamilyang may mababang kita.
Bukod dito, hiniling din ng DHSUD kay Pangulong Marcos na maisama rin ang 4PH Bill sa priority legislation ng administrasyon at mabanggit sa nakatakdang ikatlong State of the Nation Address ng pangulo sa susunod na buwan.
Humihirit din ang ahensya ng dagdag na pondo sa mga proyektong pabahay ng pamahalaan para sa mga karagdagang pasilidad tulad ng basketball court at parke na nakasaad din sa panukalang batas.
Nabatid na target ni Pangulong Marcos na makapagpatayo ng 6 million na pabahay bago matapos ang kaniyang termino sa 2028, kung saan tinatayang nasa 30 milyong mga Pilipino ang inaasahang mabebenepisyuhan ng mga proyektong pabahay.