Manila, Philippines – inihayag ngayon ng Palasyo ng Malacañang na ipinauubaya na muna nila sa Department of JUSTICE ang mga susunod na hakbang kaugnay sa inilabas na desisyon ng RTC branch 148 sa kaso ni Senador Antonio Trillanes IV.
Ayon kay Presidential Spokesman at Chief Presidential Legal Counsel Secretary Salvador Panelo, maghahain muna ang DOJ ng motion for reconsideration sa lower court upang mabaligtad nito ang una nang inilabas na desisyon.
Pero sakali naman aniyang manindigan ang lower court ay saka papasok ang Office of the Solicitor General at saka magsasampa ng mosyon sa Court of Appeals.
Tiniyak din naman ni Panelo na hindi nakikialam si Pangulong Rodrigo Duterte sa usapin at pinababayaan niya ang ibang sangay ng pamahalaan na mag desisyondahil iginagalang niya ang hudikatura na hiwalay at kapantay na sangay ng Pamahalaan.