Manila, Philippines – Hindi binuksan sa Dept. of Justice ang sobre na naglalaman ng desisyon ng Makati RTC Branch 148.
Partikular dito ang pagbasura ni Judge Andres Soriano sa hirit ng DOJ na pagpapalabas ng warrant of arrest at hold departure order sa kasong coup d’etat ni Sen. Antonio Trillanes.
Wala kasi sa kanyang tanggapan si Acting Prosecutor General Richard Anthony Fadullon dahil ito ay dumadalo sa isang linggong seminar sa Pan Pacific Hotel.
Dahil dito, ni-receive na lamang ng sekretarya ang resolusyon.
Agad namang umalis ng DOJ ang sheriff ng Makati rtc at agad silang nagtungo sa Senado.
Facebook Comments