‘DI IPATUTUPAD | Mga baril ng mga pulis, hindi seselyuhan sa pagsalubong ng bagong taon – PNP

Manila, Philippines – Hindi ipapatupad ng pamunuan ng Philippine National Police ang pagseselyo ng dulo ng mga baril ng mga pulis para sa pagsalubong ng bagong taon.

Ayon kay PNP Chief Police Director General Oscar Albayalde, paraan nila ito upang mapatunayan sa publiko na responsable ang kanilang mga tauhan.

Aniya nang nakalipas na taon hindi sila nakapagtala ng indiscriminate firing kahit pa walang selyo ang baril ng mga pulis para sa pagsalubong ng bagong taon.


Umaasa sya na mauulit uli ito para sa pagsalubong sa taong 2019.

Pero binalaan ni Albayalde ang mga pulis na mapapatunayang gumawa ng indiscriminate firing na mahaharap sila sa kaso, agad na babawian ng service firearms at ang malala pa ay matanggal sa serbisyo.

Facebook Comments