Manila, Philippines – Iniurong ng Commission on Elections (COMELEC) sa susunod na linggo ang pagpapalabas ng pinal na listahan ng mga kandidato para sa May 2019 Elections
Ayon kay COMELEC Spokesman James Jimenez, posibleng sa kalagitnaan ng susunod na linggo ay mailalabas na nila ang listahan.
Layon aniya ng pagpapaliban ng anunsyo na magkaroon sila ng karagdagang panahon na maisaayos ang mga isyu na may kinalaman sa kandidatura ng ilang pulitiko.
Kinakailangan kasing tiyakin ng COMELEC na ang lahat ng mga tumatakbo ay walang ligal na balakid.
Nilinaw naman ng COMELEC na Hindi papayagang tumakbo ang lagpas na sa term limit at ang mga pinal nang nahatulan sa kasong kriminal at napatawan ng pang-habambuhay na disqualification sa paghawak ng posisyon sa gobyerno.