‘DI KAILANGAN | Pagpapaskil ng mga ‘thank you’ banners sa Boracay, ipinatatanggal

Inatasan ni Pangulong Rodrigo Duterte si Department of Tourism (DOT) Secretary Bernadette Romulo-Puyat na pagsabihan ang mga stakeholders na huwag magpaskil at magdikit ng mga palawit, banderita at billboard na nagpapasalamat sa kanya para sa rehabilitasyon ng Boracay.

Ayon sa Pangulo – hindi niya kailangan ang mga papuri.

Kaya, ipinag-utos ng Pangulo kay Puyat na paalahanan ang Boracay Interagency Task Force (BIATF) na itigil ito.


Sa ngayon, ipinagbigay-alam na ng DOT sa iba pang kaukulang ahensya gaya ng Department of Environment and Natural Resources (DENR), Department of Interior and Local Government (DILG), Department of Public Works and Highways (DPWH) hinggil sa hiling ng Pangulo.

Facebook Comments