‘DI KAPANIPANIWALA | Sen. Villanueva, duda sa bilang ng mga Chinese national na legal na nagtatrabaho sa Pilipinas

Manila, Philippines – Duda si Senator Joel Villanueva sa datos ng Department of Labor and Employment kaugnay sa bilang ng mga Chinese national na nagtatrabaho sa bansa.

Sa pagdinig ng Senate Committee on Labor na pinamumunuan ni Sen Villanueva, iprinisinta ng DOLE na mula taong 2015 hanggang 2017, nasa 115, 652 na alien permits ang inissue ng DOLE para payagang makapagtrabaho sa bansa ang mga dayuhan; 51, 000 dito ay mga Chinese nationals.

Ayon kay Villanueva, hindi ito kapani-paniwala dahil napakaliit na bilang ito, kumpara sa datos ng Bureau of Immigration, na mula 2016, nasa 3.12 million na ang mga Chinese nationals ang pumasok sa Pilipinas.


Papaano aniya nakasisiguro ang DOLE na lahat ng Chinese nationals na pumasok sa bansa ay bakasyunista at hindi naghanap ng trabaho sa Pilipinas.

Ayon kay Villanueva, ayos lang naman na maraming mga Chinese ang bumibisita dito sa bansa at nagnenegpsyo, ngunit ibang usapan na aniya sa oras na iligal na pumapasok sa trabaho ang mga ito kahit walang permit, at naaagawan na ng mga bakanteng posisyon ang mamamayang Pilipino.

Dahil dito, sinabi ni Sen Villanueva na dapat ay amiyendahan na ang labor code at atasan ang mga employers na dapat hindi bababa sa 80% ng workforce ng mga kumpaniya ay mga Pilipino.

Facebook Comments