DI MAAAPEKTUHAN | Relasyon ng Pilipinas sa Israel, hindi makakaapekto sa relasyon ng Pilipinas sa iba pang kaalyadong bansa

Manila, Philippines – Naniniwala ang Department of Foreign Affairs na hindi maaapektuhan ang relasyon ng Pilipinas sa iba pang bansa na hindi maganda ang relasyon sa Israel na bibisitahin ni Pangulong Rodrigo Duterte sa susunon na linggo.

Paliwanag ni Foreign Affairs Undersecretary Ernesto Abella, batid nila ang issue pero naniniwala sila na nagkakaintindihan naman ang Pilipinas at ang mga kaalyado nitong bansa na mayroong bilateral relations ang Pilipinas at ang Israel.

Sinabi ni Abella na kailangang balansehin ito ng Pilipinas pero hindi naman aniya nababahala si Pangulogn Duterte sa posibleng epekto nito sa relasyon ng Pilipinas sa iba pang bansa dahil mayroon tayong ipinatutupad na independent foreign policy at ito ay Friends to All Enemies to None.


Hindi naman aniya minamasama ng Pamahalaan ang mga protesta na ikinasa ng ilang grupo sa Israel sa pagbisita ng Pangulo doon dahil tulad aniya ng mga kilos protesta dito sa bansa ay iginagalang nila ang Kalayaan ng lahat na ilahad ang kanilang saloobin.

Facebook Comments