‘DI MAAARI | Trillanes – hindi pwedeng arestuhin hangga’t hindi nag-aadjourn ang sesyon ng kongreso

Manila, Philippines – Hindi maaaring arestuhin si Senador Antonio Trillanes IV hangga’t hindi nag-a-adjourne ang sesyon sa kongreso.

Ito ang sinabi ng isa sa mga abodago ni Trillanes na si Atty. Pacifico Agabin.

Kahit mayroon nang warrant of arrest, nakasaad aniya sa konstitusyon na hindi pwedeng arestuhin ang sinumang miyembro ng kongreso sa kahit anong kaso na may parusang higit anim na taong pagkakakulong bilang pribilehiyo.


Dinepensahan din nito ang pagbubunyag ni Trillanes sa Umano ay koneksyon ni Paolo Duterte sa drug smuggling na aniya ay bahagi ng trabaho ng Senador bilang isang public officer.

Kaninang umaga nang matanggap na ng ncrpo ang kopya ng warrant of arrest laban kay Trillanes para sa kinahaharap nitong libel case.

Facebook Comments