Manila, Philippines – Inihayag ngayon ng Department of Finance na matagal nang hindi maayos ang pamamalakad sa Agricultural productivity ng bansa kaya malaki ang naging epekto nito sa mabilis at malaking pagtaas ng inflation rate sa bansa.
Sa Briefing sa Malacañang ay sinabi ni Finance Assistant Secretary Tony Lambino na naging anemic ang performance ng Agricultural productivity sa bansa dahil nasa 1.5% lamang ang naitalang growth ng Agricultural Sector sa kanilang tala.
Sinabi din nito na kahit bago pa mag 2016 ay hindi na maganda ang takbo ng agricultural Sector at alam ito ng mga eksperto.
Ang mahalaga aniya ay kailangang mag invest ang pamahalaan sa Agricultural Productivity tulad ng mga Farm to Market Roads, Cold Storage facilities, irrigation at iba pang post-harvest facilities.
Matatandaan na sinabi ni Lambino na ang pangunahing dahilan ng Inflation sa bansa ay ang pagtaas ng presyo ng mga agricultural products tulad ng bigas, gulay, isda at karne.
Binigyang diin din ni Lambino na ang pangmatagalang solusyon sa problema sa supply at presyo ng bigas ay ang pagpasa ng Rice tariffication Bill dahil ang mga inilabas na Administrative Order number 13 at mga Memorandum Order number 26, 27 at 28 ay mga short term solitions lamang.