‘DI MAGPAPAHULI | 87-anyos, pinakamatandang kumuha ng Bar exam

Manila, Philippines – Isang walumpu’t pitong taong gulang na lalaki ang pinakamatandang kumuha ng Bar examination.

Ito ay sa katauhan ni retired Colonel Ibarra Mariano.

Ayon kay Mariano, limampu’t isang taon na ang nakakalipas nang magtapos siya ng abogasya.


Gayunman, una aniya siyang kumuha ng Bar exam noong 1995 subalit hindi aniya siya nakapasa kaya nagpasya siyang kumuha muli ng pagsusulit.

Sinabi ni Mariano na nais niyang maging abogado bago man lamang siya pumanaw, habang siya ay nakakapagsulat pa at nakakalad mag-isa.

Si Mariano ay kabilang sa mahigit walong libong law graduates na kumuha ng bar exam na nagsimula noong Nobyembre 4 at magtatapos sa Nobyembre 25.

Facebook Comments