DI MAISASABATAS | Planong special session, hindi garantiya sa pagpasa ng 2019 budget

Manila, Philippines – hindi pa rin maisasabatas ang panukalang 2019 national budget kahit magpatawag si Pangulong Rodrigo Duterte ng special session sa susunod na linggo.

Paliwanag ni Senate President Tito Sotto III, kulang ang isang linggo para matapos ng Senado ang pagbusisi sa 2019 budget na sobrang atrasado ng isinumite sa kanila ng Kamara.

Kailangan din aniya ng panahon sa pagsasagawa ng bicameral conference committee para plantsahin ang mga pagkakaiba sa bersyon ng Senado at Kamara ng 2019 budget.


Ang session ng kongreso ay hanggang bukas na lang, December 14 at magbabalik sa January 13 para bigyang-daan ang isang buwang holiday vacation.

Dagdag naman ni Senate President Pro Tempore Ralph Recto, okay lang sa kanila na magkaroon ng special session.

Pero diin ni Recto, maapektuhan ang kalidad ng 2019 budget kung ito ay mamadaliin.

Facebook Comments