‘DI MAKIKIALAM | Malacañang, hands off sa pagtataas ng minimum wage sa Metro Manila

Manila, Philippines – Hindi makikialam ang Palasyo ng Malacañang sa issue ng pagtataas ng sweldo ng mga manggagawa sa Metro Manila.

Ito ang sinabi ng Palasyo sa harap narin ng hiling ng ilang labor groups na itaas sa 856 pesos kada araw ang minimum wage sa Metro Manila o mas mataas ng 344 pesos sa kasalukuyag umiiral na minimum wage.

Ayon kay Chief Presidential Legal Counsel at Presidential Spokesman Secretary Salvador Panelo, mayrong tinatawag na regional tripartite wages and productivity board na syang nagdedesisyon sa ipapata o ipatutupad na minimum wage sa ibat-ibang rehiyon sa bansa.


Paliwanag ni Panelo, hahayaan nalang nila ang Wage Board na magdesisyon kung ano ang dapat na minimum wage na ibigay sa mga mangagawa dahil nagsasagawa ito ng malalimang pagaaral sa issue.

Facebook Comments