‘DI MANANAGOT | Commanders ng 3 pulis-Caloocan na napatunayang guilty sa pagpatay kay Kian delos Santos, walang magiging pananagutan

164

Manila, Philippines – Hindi mananagot ang mga commander ng tatlong pulis na hinatulang guilty sa pagpatay sa menor de edad na si Kian Delos Santos.

Ito ang lumabas sa mga isinigawang imbestigasyon matapos ang insidente.

Ayon kay PNP Spokesperson Police Chief Supt. Benigno Durana walang magiging pananagutan ang commanders nila PO3 Arnel Oares, PO1 Jeremias Pereda at PO1 Jerwin Cruz noong August 2017.

Ito ay dahil sa wala sa policy o ang tatlong pulis lang ang nagdesisyon sa kanilang mga naging hakbang noong nangyari ang insidente ng pagpatay Kian delos Santos.

Una nang sinabi ni Durana na walang kinalaman sa drug operations ang pagpatay ng tatlong pulis kay Kian delos Santos.

Facebook Comments