‘DI MATITINAG | Pagtatangkang ibagsak ang Duterte Administration, malabo – SAP Go

Manila, Philippines – Malaki ang tiwala si Special Assistant to the President Secretary Bong Go na hindi magtatagumpay ang anumang tangka ng ilang mga grupo na patalsikin si Pangulong Rodrigo Duterte sa posisyon.

Ito ang sinabi ni Go sa harap na rin ng nabunyag na panghihikayat ng mga kalaban ng administrasyon sa ilang sundalo na sumama sa kanila at tanggalan ng kapangyarihan si Pangulong Duterte.

Ayon kay Go, mataas ang professionalism ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at malaki ang paggalang ng mga ito sa sinusunod nilang chain of command.


Sinabi pa ni Go na hindi lingid sa kaalaman ng AFP kung paano nagtatrabaho ang Pangulo habang hindi din aniya maitatanggi na marami sa ating mga kababayan ang buo ang suporta sa Pangulo.
Matagal na rin naman aniya nila alam ang galaw ng mga grupo lalo ng oposisyon na wala nang alam na gawin kundi siraan si Pangulong Duterte.

Facebook Comments