DI NA NAGISING | Tricycle driver, patay matapos pagbabarilin habang natutulog sa Caloocan City

Caloocan City – Dead on the spot ang isang tricycle driver makaraang
pagbabarilin habang natutulog sa Phase 9, Package 3, Maharlika Dulo, Bagong
Silang, Caloocan City.

Nakilala ang biktima na si Marlon Valiza, 30-anyos at residente sa lugar.

Alas dose pasado ng hating gabi nang mangyari ang insidente kung saan
natutulog ang nasabing biktima sa kanyang tricycle ng lapitan at
pagbabarilin ng dalawang suspek na sakay ng motorsiklo.


Patuloy ang imbistigasyon sa pamamaril at inaalam na din ang motibo sa
pagpatay.

Facebook Comments