Manila, Philippines – Hindi nakadalo si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga aktibidad para sa ika-115 anibersaryo ng kapanganakan ni Gat Andres Bonifacio.
Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo – lumipad pabalik ng Mindanao ang Pangulo para asikasuhin ang problema ng “insurgency” sa rehiyon.
Si Pangulong Duterte sana ang mangunguna sa wreath laying ceremony sa Bonifacio Monument sa Caloocan City.
Bilang kinatawan, si Executive Secretary Salvador Medialdea na lamang ang dumalo sa pagdiriwang na may temang “bonifacio 2018: tapang, sakripisyo, pagbabago.”
Nag-alay din ng bulaklak sa bantayog ni Bonifacio ang ilang opisyal ng gobyerno at ang kaanak na si Ron Paulo Bonifacio.
Ilan pang kaanak ang nag-alay ng bulaklak sa bantayog ni Gat Andres sa Rizal Drive, kanto ng Third Avenue sa BGC, Taguig City.
Dito ay sinariwa ni Atty. Gregorio Bonifacio ang mga aral at mensahe ni Gat Andres tungkol sa pagmamahal sa bayan, ina, asawa at kabataan na hinango sa aral ng kartilya ng katipunan.