‘DI NAPIGILAN | Pia Wurtzbach, na-starstruck kay Duchess of Sussex Meghan Markle

319

Manila, Philippines – Hindi napigilan ng Pinay beauty queen na si Pia Wurtzbach nang ito ay ma-starstruck sa American former actress at ngayon ay Duchess of Sussex na si Meghan Markle nang personal niya itong makita sa Australia.

Say ng 28-year-old Cagayan de Oro Beauty, nagkataong nasa Sydney din siya sa kasagsagan ng Australian tour ni Markle kasama ang asawang si Prince Harry.

Nag-post din ang 2015 pinay miss universe ng kanyang larawan kung saan suot ang aniya ay mala-Meghan Markle outfit.

Nabatid, nagsilbing highlight ng royal tour ay ang kumpirmasyon na buntis na ang 37-year-old duchess of sussex sa first baby nila ni Prince Harry.

Facebook Comments