Manila, Philippines – Hindi pa makumpirma ng pamunuan ng Philippine National Police kung totoo ang pahayag ng Philippine Drug Enforcement Group o PDEA na bumaba na ang presyo ng iligal na droga sa bansa.
Ayon kay PNP Chief Police Director General Oscar Albayalde, hindi niya alam kung saan nakuha ni PDEA Dir. Aaron Aquino ang statistics para masabi nitong bumaba na ang presyo ng iligal na droga sa bansa.
Sinasabing ang dahilan ng pagbaba ng presyo ng iligal na droga ay dahil dumami na supply ng droga sa Pilipinas.
Sinabi ni Albayalde kung totoo man aniya ito ay wala silang dapat na sisihin sa halip ay magdo double time sila para makuha at maubos ang shabu sa Pilipinas.
Batay sa ulat ng PDEA isang libo at apat na raang piso nalang kada gramo ang bentahan ng shabu sa bansa.