Cotabato – Hindi papayagan ang mga residente ng Cotabato City na mag-overnight sa mga sementeryo ngayong Undas.
Ayon kay City Police Director Sr. Supt. Rolly Octavio, mahigpit pa rin na ipatutupad ang “Discipline Hour Ordinance” sa lungsod kung saan 10:30 ng gabi hanggang 3:30 ng madaling araw ang ipinapatupad na curfew hours.
Paliwanag ng PNP, ito ay para sa kaligtasan ng lahat.
Sinabi pa ng opisyal na kailangan na magsiuwian ang mga tao bago sumapit ang alas dyes ng gabi.
Wala aniyang ‘exempted’ sa nasabing kautusan maliban na lamang sa mga emergency cases.
Mahigpit ding ipatutupad ang ‘No ID, No Entry’ policy sa lungsod hanggang sa November 4.
Pinanatili ng local goovernment ng Cotabato ang curfew hours sa lungsod mula pa noong Mayo matapos na isailalim sa batas militar ang buong Mindanao bunsod na nangyaring pag-atake ng Maute terror group sa Marawi.