Manila, Philippines – Hindi pinalampas ni Senator Nancy Binay ang umano ay sablay na intelligence report na natanggap ni dating Vice Mayor Paolo Polong Duterte ukol sa umano ay destabilization plot laban sa administrasyong Duterte.
Katwiran ni Senator Binay, nakakaalarma kung pati mga fast food chain, at mga mutants ay kasama sa listahan ng mga bishops, politiko at iba’t ibang grupo na nakapaloob sa hawak na intel report ni Pulong.
Diin ni Binay, nagpapakita ito kung gaano kahina ang kakayahan ng mga ahensya ng gobyerno na may mandato para magsagawa ng intelligence gathering.
Giit ni Binay, hindi katanggap tanggap ang nabanggit na kapalpakan sa panig ng intelligence gathering at pagtiyak sa seguridad ng bansa.
Nais malaman ni Binay kung anong agency ang nagrelease ng intel kay pulong para mabusisi kung kailangang dagdagan ang budget nito para mapabuti ang pagtupad sa trabaho.
Kung malaki na aniya ang budget at palpak pa rin ay pababawasan ito ni Senator Binay para ilipat sa ibang ahensya na mas may pakinabang sa taong bayan.