‘DI RAMDAM | MMDA aminadong walang malaking epekto sa daloy ng trapiko ang adjusted mall hours

Mismong ang MMDA na ang nagsabi na hindi ramdam ang epekto sa EDSA ng adjusted mall hours.

Kahit kasi ginawa ng alas onse ang opening ng mga mall na nasa EDSA matindi pa rin ang trapiko.

Ayon kay MMDA General Manager Jojo Garcia, nadagdagan din kasi ang mga sasakyan sa EDSA na galing sa mga karatig probinsya, isama pa ang mga bagong biling sasakyan.


Pero ayon kay Garcia base sa datos ng MMDA nasa 3,000 mga sasakyan ang hindi na nakikipagsiksikan sa EDSA mula alas 8 hanggang 9 ng umaga dahil na rin sa adjusted mall hours.

Sinabi pa ni Garcia na may tig 200 mga sasakyan ang unang pumaparada sa 15 malls na nasa EDSA bukod pa sa 45,000 empleyado ng 15 malls sa EDSA ang hindi na nakikisabay sa kasagsagan ng rush hour.

Facebook Comments