Manila, Philippines – Sa Kabila ng sunud-sunod na rollback sa presyo ng langis, hindi pa rin magbababa ng pamasahe ang ilang transport group.
Ayon kay Zeny Maranan, Presidente ng Federation of Jeepney Operators and Drivers Association of the Philippines (FEJODAP) – hindi pa rin nila ramdam ang magkakasunod na bawas-presyo sa langis.
Hindi naman daw nila binabawi ang pangako nila na kusa silang magpapatupad ng bawas-pasahe oras na bumaba sa P38 hanggang P39 ang presyo ng diesel.
Pero sa ngayon aniya, lumalabas sa kanilang pag-iikot na p44 hanggang P46 ang pinakababang presyo ng diesel sa mga gasolinahan sa Metro Manila.
Sabi naman ni Alliance of Concerned Transport Organizations (ACTO) Chairman Efren de Luna – malabong maaprubahan agad ang panukalang bawas-pasahe.
Wala naman kasi aniyang katiyakan na pangmatagalan na ang pagmura ng presyo ng langis sa world market.