Manila, Philippines – Mariing kinondena ng Palasyo ng Malacañang ang pagpatay sa Human rights Lawyer na si Atty. Ben Ramos na founding member ng National Union of People’s Lawyers.
Matatandaang pinagbabaril ng mga suspect na nakasakay sa motorsiklo sa Kabankalan, Negros Occidental nitong Martes ng gabi habang ito ay nagpapahinga.
Ayon kay chief Presidential Legal Counsel at Presidential Spokesman Secretary Salvador Panelo, sa ngayon ay ginagawa na ng mga otoridad ang lahat para malaman kung sino ang nasa likod ng pagpatay at maibigay sa pamilya ni Ramos ang hustisya.
Binigyang diin naman ni Panelo na walang basehan ang pahayag ng ilang grupo na ang gobyerno ang nasa likod ng pagpatay.
Tiniyak din ni Panelo na hindi hahayaan ni Pangulong Duterte na makaligtas sa pananagutan ang gumawa ng krimen na ito.
Nakikiramay din naman aniya si Pangulong Duterte sa mga kaanak ni Ramos at hindi titigil ang mga otoridad hanggang hindi nalulutas ang kasong ito.