‘DI SAPAT | Information drive patungkol sa HIV, kulang pa rin

Manila, Philippines – Naniniwala ang grupo ng LGBT na kulang pa rin ang information drive patungkol sa HIV kaya patuloy na tumataas ang kaso nito sa bansa.

Sa interview ng RMN Manila, sinabi ni Vince Liban, president ng UP Babaylan Lagablab Network Coalition of LGBTQ – hanggang ngayon kasi ay tago pa rin ang pakikipag-usap tungkol sa sex.

Bukod ito, may ilan pa rin aniya ang hindi gumagamit ng condom sa pakikipagtalik na isa rin sa dahilan kaya mistulang “gold medalist” ang Pilipinas sa isyu ng teenage pregnancy.


Sa datos ng DOH, pinakamaraming kaso ng HIV ay naitala mula sa pakikipagtalik ng lalaki sa kapwa lalaki na nasa 85%.

Katumbas ito ng 563 mula sa kabuuang 954 HIV cases na naitala nitong Setyembre.

Facebook Comments