‘DI SAPAT | Umento sa sahod, kulang na kulang ayon sa grupong Bayan

Lubhang maliit ang ibinigay na umento sa sahod sa Metro Manila.

Ito ang himutok ng grupong Bagong Alyansang Makabayan kasunod ng P25 umento sa sahod.

Ayon sa grupo kulang pang pambili ng isang kilong bigas ang P25, hindi rin nito maitatawid ang agwat ng kasalukuyang sahod at gastos para mabuhay nang maayos at marangal ang isang pamilya at hindi nito maibabalik ang nawalang halaga ng sahod bunga ng patuloy na pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin.


Paliwanag nila maraming dahilan ang ibinigay ng gobyerno para hindi itaas ang sahod tulad umano ng masama sa ekonomiya ang wage hike pero inalmahan ito ng grupo dahil mabuti para sa maraming naghihirap na manggagawa ang umento sa sahod.

Kasunod nito suportado ng Bayan ang isinusulong ng ilang progresibong grupo sa Kamara na pagbuwag sa wage boards kapalit ng pagpasa ng isang national legislated minimum wage.

Facebook Comments