‘DI SUSUKO | Isang grupo, muling aapela kontra taas-pasahe

Manila, Philippines – Hindi pa rin sumusuko at muling aapela sa gobyerno ang United Filipino Consumer and Commuter (UFCC) para ipanawagan ang pagpapatigil sa dagdag-pasahe sa mga pampublikong sasakyan.

Kung maalala naglabas ng kautusan ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na maari ng maningil ng karagdagang pamasahe ang mga bus at jeep basta at meron na silang fare matrix.

Ayon kay RJ Abellana, presidente ng UFCC, muli silang susulat sa Department of Transportation (DOTr) at kay Pangulong Rodrigo Duterte.


Sunod-sunod na kasi aniya ang rollback sa presyo ng petrolyo kaya at hindi na kinakailangan pa ang dagdag pasahe.

Iniisip ng grupo na lalong gagapang sa kahirapan ang karamihan sa mga Pilipino kung mataas ang bilihin, mababa ang sahod at sasabayan pa ng mataas na gastusin sa transportation.

Sa ngayon, mula 9 pesos magiging 10 pesos na ang minimum na pamasahe sa jeep kapag meron silang bagong fare matrix.

Samantala sinabi naman ng mga transport group na papayag lang sila sa 9 pesos na minimum fare sa jeep basta nasa 39 pesos na lang ang per litro sa gasolina.

Facebook Comments