‘DI TANGGAP | VP Robredo, iginiit na hindi ang pagmahal ng presyo ng langis ang dahilan ng mataas na inflation

Manila, Philippines – Hindi tinanggap ni Vice President Leni Robredo ang katwiran ng gobyerno na tumataas ang inflation dahil sa pagmahal ng presyo ng langis sa pandaigdigang merkado.

Sa programang Biserbisyong Leni sa DZXL RMN Manila – hindi maaring isisi sa world oil price ang rising inflation.

Bagamat nagko-contribute ito sa inflation, hindi lamang aniya ito ang dahilan.


Tanong ni Robredo, bakit sa ibang bansa nako-kontrol ang inflation pero sa Pilipinas ay hindi.

Naniniwala si Robredo na wala pa ring malinaw na plano kung paano sosolusyonan ng gobyerno ang problemang ito.

Facebook Comments