‘DI TATANGGAPIN? | Panukalang Pederalismo, ibabasura lamang ng mga Pilipino

Manila, Philippines – Naniniwala si dating Vice President Jejomar Binay na ang Pederalismo ay hindi tatanggapin ng mga Pilipino.

Sa ginanap na forum sa kapihan sa Manila Bay, sinabi ni Binay na ang kanyang pananaw hangga’t walang national identity ang mga Pilipino ay hindi magtatagumpay ang lahat ng mga adhikain ng gobyerno.

Ayon kay Binay, ang mahihirap ay lalo pang maghihirap at ang mga mayayaman ay lalong yayaman dahil ang bahagi ng revenue ng gobyerno ay mas malaki ang kontribusyon ng mga mahihirap dahil nakakadaya o nakalalamang ang mga mayayaman.


Paliwanag ni Binay, ang bureaucracies ay madagdagan ng mga buwis na posibleng hindi kakayanin ng pondo ng pamahalaan kayat dapat pag aralan ng husto bago isulong ang panukalang Pederalismo sa bansa.

Facebook Comments