‘DI TATANTANAN | Pagpigil ng SC, tanging paraan para itigil ng Malacañang ang paghahabol kay Trillanes

Manila, Philippines – Hindi tatantanan ng Palalasyo ng Malacañang si Senador Antonio Trillanes IV hanggang hindi ito nakukulong dahil sa mga ginawa nitong krimen bago ito maging Senador partikular ang mga kudeta na pinangunahan nito noong panahon ni Dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo at ang kuwestiyonableng pagbibigay dito ng Amnesty ni dating pangulong Noy-noy Aquino.
Ayon kay Chief Presidential Legal Counsel at Presidential Spokesman Secretary Salvador Panelo, palaging susunod ang Administrasyon sa anomang iniuutos ng umiiral na batas at anomang gawain na lumabag dito ay kailangang iprosecute ng pamahalaan.

Sinabi ni Panelo na mayroong nakitan mali o paglabag sa pagbibigay ng Amnesty kay Senador Trillanes kaya naglabas ang Malacañang na nagpapawalang bisa dito.

Binigyang diin ni Panelo na hanggang hindi sinasabi ng Korte Suprema na mali ang Malacanang ay ipagpapatuloy lang ng Adminsitrasyon ang paninindigan na ito ay tama sa issue ng pagpapawalang bisa sa amnesty na ibinigay kay Trillanes.


Facebook Comments