‘DI TIYAK | Senator Binay, hindi siguradong makakatulong sa kampanya ng mga kapatid na magkalaban sa Mayoralty race

Manila, Philippines – Hindi tiyak si Senator Nancy Binay kung may tutulungan sya sa pangangampanya sa mga kapatid na si Abby Binay at Junjun Binay na magkalaban sa Mayoralty race sa Makati City.

Diin ni Binay, ipaprayoridad niya ang kanyang pangangampanya sa muling pagkandidato sa pagka-Senador sa 2019 elections.

Aminado si Senator Nancy na mas malapit siya sa kapatid na Junjun pero kailangan niyang asikasuhin ang sariling laban.


Paliwanag ni Binay, mas mahirap ang pagdadaanan niya dahil kailangan niyang libutin ang buong Pilipinas.

Ayon kay Binay, kahit maganda ang pwesto niya sa mga survey ay hindi sya dapat maging kampante kaya katulad noong 2013 elections ay nakakaramdam pa rin siya ng kaba.

Facebook Comments