Manila, Philippines – Hindi totoo na mayroong ikinakasang checkpoint ang Philippine National Police (PNP) para makapagsagawa ng pangongotong.
Ito ang sinabi ni PNP Spokesperson Police Chief Superintendent Benigno Durana matapos ang isinagawang imbestigasyon ng PNP.
May mga chain massages kasi sa kasalukuyan ang kumakalat sa social media na sinasabing bigla na lamang pinapara ng umano ay mga pulis ang ilang sasakyan para lamang mangotong
Sinabi ni Durana iniimbestigahan na nila ngayon kung sino ang nagpapakalat ng mapanirang impormasyon sa kanilang organisasyon.
Aniya mayroong sinusunod na police operational procedure o SOP ang mga pulis sa pagsasagawa ng checkpoint operation.
Hindi aniya nakasaad sa SOP ang bigla na lamang pagpapahinto ng mga sasakyan pero kung ito aniya properly authorized at mayroong on going operation ay nangyayari ito ngunit may mandatory requirements at limitasyon.
Malabo rin aniyang mangyari ang planting o pagtatanim ng iligal na droga o anumang bawal sa mga sasakyan dahil visual inspection lamang aniya ang ginagawa ng mga pulis.
Pero kung mapapatunayan aniya na nagkaroon ng planting of evidence tiniyak ng pamunuan ng PNP na may makakasuhan dahil sa paglabag sa Section 29 of Republic Act 9165 or the Dangerous Drugs Act of 2002 at ang kaparusahan ay kamatayan o death penalty.